Nakaka-miss yung Christmas nung bata ako. Yung feeling na yung Christmas na yung pinaka masayang araw sa isang taon. Yung bang hinihintay mo yung ibilhan ka ng pamasko ng magulang mo. Yung mag-sasabit ka ng medyas bago sumapit ang pasko. Tapos maaga kang magigising para mamasko sa Ninong at Ninang tska sa mga kamag-anak mo. Yung simple lang pero masaya. Sana hanggang ngayon ganun pa din, yung wala kang iniintindi no? Basta alam mo lang masaya yung pasko. Sabi nga nila move on, di ka naman pweding magstay sa isang chapter ng buhay mo. Well, that’s life. You must go on, and make a change have a blast……
May gusto siya sa’yo, ikaw naman may gusto ka saka’niya, at siya naman may gustong iba. Ang hirap diba? Bakit nga ba tayo nag-papakabaliw sa isang tao kahit may handa namang mag-mahal satin diba? Yung bang pilit nating pinipilit yung sarili natin sa isang tao na kahit alam natin na sa una palang alam na nating wala tayong mapapala pero ayan parin tayo, umaasa na sa huli na mapapansin ka niya. Minsan kase, tayo din ang gumagawa ng dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Nandun ng umasa ka, magpaka-tanga ka, magging martyr ka, hanggang sa masaktan ka. Dahil ba lahat ng hinahanap mo na sakanya na? Yung wala kang pakialam kahit anong sabihin ng ibang tao sayo. Kahit na hindi mo namamalayan, na diyan sa tabi may isang tao ng hinihintay ka at handa na mahalin ka? Yung feeling mo loner ka? Bakit nga ba? Siguro nadadala lang tayo ng pabigla-biglang damdamin natin. Yung walang kasiguraduhan na feelings. Yung tigas ng ulo natin, na alam naman natin na masasaktan tayo pero ok padin. Hindi ba natin pweding pansinin yung iba? Kalimutan siya, at ibaling sa Iba ang pagkhumaling natin? Sayng kasi eh. Aasa ka sa isang tao, alam mo naman wala kang mapapala. Bakit hindi natin subukang magmahal ng iba, yung may kasiguraduhan? Kesa naman magsisi tayo sa huli, na bigla mo na lang masasabi sa sarili mo na “Ay saying siya na lang sana”. Huwag sana natin sayangin yung oras at panahon na pahalagahan ang mga taong mahal tayo at handang magsakripisyo para makuha ang puso mo. Kesa naman na maghintay ka sa isang tao na alam mong sa una palang wala na itong kasiguraduhan. Bakit hindi natin sila hayaan, at balang araw magsisi na lang sila dahil huli na ang lahat. Kung may handang mag-mahal satin, bakit hindi natin subukan? Huwag tayong matakot sumubok. Paano ka matututo, pano kang makakakuha ng aral kung kakatakutan mo ‘to. Paano ka magiging matapang at matututong lumaban? Masakatan ka man o umiyak, you need to accept it. Package deal yan eh, masasaktan ka at iiyak sa ayaw at sa gusto mo. Alam mo bakit? Cos in the end, you don’t know you gain a lot of lessons and experiences that it might be your reviewer when you’re ready to fall in love and to be hurt again. That’s love, full of conditions, full of challenges. You should be ready then. J
Hi Guys! Hope you like it! Don’t forget to follow me in tumblr.com @ thegreatgello.tumblr.com. Add me in FaceBook @ agcenson@gmail.com in twitter @great_gello J)))))))))))))
MASAKLAP NGA BA KAPAG UMIBIG KA?
Lovelife? Pangunahing pinoproblema ng bawat isa dito sa ating mundong ginagalawan. Ang pangarap ng mga kabataan at ang mga isip kabataan, hindi lang yan! Ito rin ang pangunahing kurso nga mga Manloloko, Bolero, Player at syempre ng Mang-gagandyo. Bakit nga ba tayo nababaliw, umiiyak, nasasaktan? Sabi ng iba tanga daw sila, yung iba naman manloloko daw ang mga babae/lalake, meron ding “Siguro hindi kami para sa isa’t-isa”, Meron naman’g “Ay karma to”, at madami pang iba na makikita mo sa Status sa facebook, sa mga tweet, sa mga blooging site, sa GM’s at syempre sa inuman (HAHAHAHA). Bakit nga ba? Hay nako, osige ibabase ko na lang ito sa aking karanasan.
Sa una syempre Masaya, wagas na kilig, yung tipong hindi ka na makatulog sa sobrang saya, at sa sobrang kasabikan na Makita mo siya. Yung tipong pag-gising mo, kahit na nahihirapan kang idilat ang ‘yong dalawang mata, pipilitin mo padin na mabukas ang isa sa mamuta mong mata upang mkita lamang ang cellphone mo, at dutdutin to papunta sa inbox at hahanpin na agad ang pangalan ng kasintahan mo. Tapos para ka na lang tanga, kahit mabaho pa ang hininga at madami pang morning glory sa yong mga mata, ngingita na’yan at mag-rereply na. Hindi lang yan, yung isasakripisyo mo ang cellphone mo para madala ito sa school at makapag text ka lang sa jowa mo kahit na alam mong pwedi tong i-confiscate ng napaka taray mong guro. Tapos, may mga animo’y tsokolate sa tamis na mga tawagan, mapa Hon, Babe, Baby, Panga, Ojo, Iniirog, at kung ano ano pa, lalo na ang mga unique na tawagan dahil ipag-sasama nila ang pangalan nila, hanngang sa makabuo sila ng jejemon na tawagan o PANGALAN kuno ng magiging anak nila. Yung mga pangarap, at higit sa lahat ang hindi nag-papaiwan, ang mga PANGAKONG MADALAS PA SA BAGYO KUNG MAPAKO. Hanggang sa dumating yung araw na, i-ggm mo na ang kowts na patama sa kanya, ang mga katagang, “MATAAS PA SA PANGARAP NI NOYNOY ANG PRIDE MO”. Tapos tutungo na ‘to sa sumbatan, sa awayan, iyakan, at syempre mawawala ba ang inuman na kala mo’y gamot sa nagbabaga mong puso. Hay nako, simula’t sapul alam ko na na ganito ang patutunguhan ng mapaglarong pag-ibig . bakit nga ba?
Ganito yan. Isa na sa dahilan ng hindi tumatagal na relasyon ay ang “HINDI MARUNONG MAKUNTENTO”. Hindi rin kung ilan ang jowa mo. Pagka-kuntento. Yung tipong Ok na sayo kahit ano yung ugali ng jowa mo, yung binibigay niya sayong oras, alaga, pag-mamahal na kala mo kulang pa. Aminin mo’t hindi, papatayin ka ng konsensya mo kung di mo to ginawa. Diba minsan sasabihan mo siya ng “Dapat ganito ka, ganyian ka. Dapat hindi mona to gawin kasi ayaw ko, dapat mag-bago ka, kailangan ganito ka.” Hindi ba pwedi na bayaan mo siya kung mag-babago siya ng kusa? Hindi rin kasi maganda yung nagbago siya dahil sakin. Mahal niya ko kaya nag-bago siya ng kusa. Diba? Mas masarap pakingan kung nag-kukusa yung isang tao kasi mahal ka niya?
ANG PAGKAWALA NG TIWALA, isa na to sa dahilan kung bakit madaling nagtatapos ang isang relasyon. Paano ba nawawala ang tiwala? Nawawala kasi ang tiwala dahil sa mga echoserang palaka, mga matitinong tsismosa na di tumitigil para lang masira o magkalamat ang pag-iibigan niyong wagas. Yung sasabihan ka na, ui! Yung jowa mo ganiyan, mukhang ganito, mukhang manloloko. Yung pag-nagshare ka ng problema imbis na tulungan ka, papabigatin pa nila ang nararamdaman mo. Yung mga, ayaan mo na siya, iwan mo na siya, madami pa namang iba diyan. Yung mga paninira nila, kahit ang alam lang nila ang pangalan ng jowa mo at hindi ang puso’t kaluluwa niya. Hindi mo ba naiisip na kawawa naman siya? Wala pa man, nawawalan na siya ng kumpiyansa sayo? Minsan kasi mas inuuna pa nating pinapasok sa puso’t isipan natin angg mga sinasabi ng iba kesa sa pinaniniwalaan mo na unti-unti itong sumisira sa tiwala.
Ang pagka-NEGA. Kung ano-anong iisipin mo pag di mo siya kasama, pag di siya nagpaparamdam. Be matured enough, you need to think positive, so the vibes in your relationship will be good. Ang minsang pagka-childish ng ugali. Yung nag-papasuyo pa, yung nag-beberat, ano sa tingin mo? Nanay mo ba ang jowa mo para suyuin ka habang buhay? Hindi diba? Kailngan marunong kang umintindi. Speaking of umintindi, minsan hindi ang jowa mo lagi ang may kasalanan, minsan ang sitwasyon ang gumagawa ng problema, kailangan minsan intindihin mo ang sitwasyon at ilagay sa lugar ang init ng ulo mo.
Pero siguro, para sa akin, PRIDE ang pinaka matinding kalaban ng pag-ibig, ang anay sa relasyon. Gano ba kahirap lunukin ang PRIDE? Siguro nga mahirap lalo na pag bareta no? okaya powder na lang para lagyan mo ng tubig na maiinit at gawin mong kape para naman magka nerbiyos yang nagtataasang PRIDE sa puso niyo/mo.
Hayyyyy nakuuuuuuuuuuuuu!!! Kaya ako, ayos na ko sa pagiging single, ang mag-bigay ng advice sa mga kaibigan kong sawi sa pag-ibig. Hindi naman kasi ako nagmamadali. Ok na yung slowly but surely.
Love is the most powerful beyond everything. Lahay kaya mong gawin diba? Kaya dapat sana, magkaroon tayo ng disiplina, limitasyon, sa pag-mamahal. Hindi ito sport na pag napagod ka na magpapahinga ka na at maglalaro ka kung kelan mo gusto. Dapat pinaglalaan ito ng oras, sikap, tiyaga para makamit ang panghabangbuhajy na kasiyahan para sa dalawang taong nag-mamahalan.
Masiyado ng mahaba. Baka pasko na pag dinagdagan ko pa to at isa pa hindi ko na alam ang gagawin kong posisyon para mawala ang pangangalay ng likod at ulo ko. Thanks for the time reading my nonsense blog, pasensya na kung may mali man sa grammar ko, spelling basta alam ko naiintindihan niyo. :)))))))))))))))))))
Follow me guys @ thegreatgello.tumblr.com, be my friend add me in my FB ACCNT. @ agcenson@gmail.com . follow me in twitter @wangellonhey.
Thanks Guys! Watch out for my next blog :))))))))))))))))))))
October 10, 2012 Tuesday 03:18A.M
Owwwww. Malapit ng sumapit ang buwan ng Nobyembre. At 7 years ko na siyang na-mimiss ng sobra. Seven years ko na din siyang dinadalaw sa puntod niya. Oh aking Ina, sobrang miss na kitaaaaaaa :(
BELL TOWER :)

Vigan City? Eh yun na ang pinaka maayos maganda, tahimik, at mapayapang lugar na napuntahan ko sa PILIPINAS.
10 hours long drive from Pampanga. Pero nawala ung pagod namin lahat nung nakababa na kami sa bus. Yung super excited ka talaga na mag-papicture ng kung san-san. Hahahaha. Ang saya langggggggggggggg! =))))
POT MAKING:)

Eh yung walang pahi-pahinga libot agad! Yung lalakadin mo lahat ng pweding puntahan. Tapos lahat ng Ilocano naka ngiti sayo. Basta, gagaan ang loob mo panigurado pagnakaratin ka sa Vigan.
CALYE CRISOLOGO :)

Malinis na daan, yung wala ka mang makikita na balat ng kendi, upos ng sigarilyo sa daan.
BALUARTE :)

No entrance fee, wala kang babayaran sa lahat ng mapupuntahan mo. Mabubusog ang mata mo sa lahat ng makikita mo. :)

Mas lalong magigng perpekto yung pamamasayal niyo pag kasama ang barkada. Sayang nga lang di kami natulo sa Pagudpod, Ilocos Norte.
Kamukha ko nga ba siya? Feeling ko na nga ngayon kamukha ko na siya. HAHAHAHAHAHAHAHA, Madami nadin kasi nagsasabi na kamukha ko siya eh. Lage na lang! HAHAHAHA.
Well, ok naman eh. Kamukha ko man siya o hindi. Pero parang OO. HAHAHAHAHAHA! May similarities kasi kami ni Mr.Bean. First is Physical Appearance niya, medyo kahawig ko siya! HAHAHA, At ang ka-utuan niya, parehong-pareho kami. Hmm, FUNNY PERSON kasi ako, joker ganun. Ayaw ko ng malungkot, at gusto ko lagi akong may napapasayang tao. Minsan nga naasar na sila eh, kasi ako masayang masaya sila nagluluksa na! HAHAHAHAHA. Si Mr.Bean kasi hindi nakikinig sa sinasabi ng iba. Wala siyang pakialam, basta ang alam niya may napapasaya siyang kapwa niya. Ganon din naman ako. Kaso yung iba namimis-interpret nila. Yung tipong kala nila manhid na ako. HAHAHAHAHA. Sabagay may iba’t-ibang pananaw naman tayo. Kaya yaan na natin sila suportahan nalang natin sila kung san sila masaya. Basta ang alam ko MASAYA AKO, AT NAPAPASAYA ko sila sa tamang paraan at walang naaapakan na iba :)))))